Mananatiling nasa red alert status ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil libu-libong Pilipino ang apektado ng Bagyong Ulysses ang humihingi pa rin ng tulong.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, tiniyak niya na ang mga temporary shelters ay children at women-friendly at naaayon sa COVID-19 health standards.
Mahigpit ang monitoring sa distribution ng family food packs (FFPs) lalo na sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo gaya ng Marikina City.
Sa datos ng DSWD, aabot sa 96,000 families o 350,000 indibidwal mula sa 1,757 na barangays sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nagpadala na ang ahensya ng ₱3.9 million sa Regions 1, 2, at 5 para sa relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.