DSWD, nanatili pa ring naka-heightened alert sa Batangas

Nanatili pa ring naka-heightened alert at nakaantabay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa anumang maaaring mangyari sa publiko na dulot ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, dahilan pa rin ito ng panibago na namang aktibidad ng bulkan na naglalabas ng volcanic smog o vog na nakakaapeto sa mga malapit na residente ng mismong bulkan.

Una nang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na normal pa naman at manageable ang sitwasyon sa paligid ng Taal, nakahanda pa rin ang nasabing ahensya para pa rin sa tulong at koordinasyon sa karatig lugar.


Samantala, all set na rin nang ilalabas na tulong gaya ng family food packs at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Facebook Comments