DSWD, nanatiling naka-alerto sa harap ng nararanasang sama ng panahon sa ilang rehiyon sa bansa

Nanatiling nasa alert status ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para asistihan ang Local Government Units (LGUs) sa kanilang relief operations sa mga apektado ng sama ng panahon sa ilang rehiyon sa bansa.

Tiniyak ng DSWD na may stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng P1.26 billion na nakahandang ibigay sa mga LGU na mangangailangan ng augmentation assistance.

Nakapaghatid na ang DSWD ng augmentation assistance na nagkakahalaga ng P45 million sa mga LGU na apektado ng shear line sa Region 5, 6, 8, 9, 10, 11, Caraga, at BARMM.


Aabot din sa P119-M na financial assistance ang naipamahagi ng DSWD sa 24,455 na benepisaryo sa Region 5, 8 at 10 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program.

Sa Eastern Visayas, may kabuuang 25,045 na pamilya sa Northern Samar, Western Samar, at Eastern Samar ang nahatiran na ng relief assistance.

Kasama na rito ang mga apektado ng pagbaha sa Zamboanga City, Tungawan, Zamboanga Sibugay, Liloy at Salug, Zamboanga del Norte.

Facebook Comments