DSWD, nanawagan sa PNP na irespeto ang karapatan ng mga bata sa war on drugs

Manila, Philippines – Nanawagan si DSWD Undersecretary Malou Turalde sa PNP na isaalang alang ang karapatan ng mga menor de edad sa ipinatutupad na giyera laban sa droga.

Ayon kay Turalde, hindi maaring itrato ang mga bata ng katulad ng agresibong pagpuntirya sa mga nasa hustong gulang na notoryus na kriminal.

Aniya,hindi na dapat maulit pa ang pagkakapatay kina Kian delosantos at Carl Angelo Arnaiz .


Umapila ang DSWD Usec. sa mga puis na tiyakin na walang bahid ng pagkakamali ang mga impormasyon sa mga isinasangkot nila sa droga.
Nanawagan din siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin ang isang bukas at walang kinikilingang imbestigasyon sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay nina Kian at Carl Angelo.

Facebook Comments