DSWD, nangakong hindi hahayaang manlimos ang mga evacuees mula sa Marawi City

Marawi City – Binigyang diin ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na hindi darating ang panahon na manlilimos ang mga residenteng apektado ng kaguluhan sa Marawi City.

Ito ang sinabi ng kalihim sa harap narin ng nararanasang paghihirap ngayon ng mga evacuees.

Ayon kay Taguiwalo, ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng kakailanganing tulong ng mga evacuees o ng mga Maranaw at kung makakikita ng mga nanlilimos na taga Marawi City ay dapat ipagbigay alam sa DSWD.


Bukod naman sa naunang ibinigay na assistance ng pamahalaan sa mga evacuees nakahanda pa ang pamahalan na magbigay ng karagdagang 4,000 cash assistance sa mga pamilyang mula sa Marawi na siya namang ibibigay sa oras na makabalik na sila sa kanilang mga tahanan.

Matatandaan na sinabi ng Armed Forces of the Philippines na 5% lamang ng mga lumikas sa Marawi City ang naninirahan sa mga evacuation centers habang ang nalalabing bilang naman ay naninirahan sa kanilang mga kamaganak at mga kaibigan.

Facebook Comments