
Naghahanap pa ng karagdagang volunteers ang National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, tuloy-tuloy kasi ang paghahanda ng Family Food Packs (FFPs) sa National Resource Operations Center (NROC) Warehouse bilang paghahanda sa anumang kalamidad na papasok sa bansa.
Sa abiso ng ahensya, ang mga volunteer ay itatalaga sa NROC sa Pasay City.
Kung saan, tutulong sila sa paggawa o pag-repack ng FFPs para iimbak sa iba’t ibang warehouse sa buong bansa.
Maaaring tumulong sa pag -aayos ng FFPs ang mga magbo-volunteer mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes o di kaya ay alas-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon o alas-5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 naman ng gabi.









