Nakumpleto na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang assessment sa 14.4 million na mahihirap na pamilya na kasama sa inisyal na listahan ng ‘Listahanan 3” o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).
Sa ilalim ng validation at finalization phase ng proyekto, ang lahat ng ipapasok na impormasyong nakalagay sa household assessment form (HAR) ay dadaan sa Proxy Means Test (PMT) para sa paglikha ng inisyal na listahan ng mga mahihirap na pamilya, kung saan sumailalim din ito sa community validation.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, 97% ng 14.1 million na pamilya ang naipasok sa database ng ahensya.
“We use PMT to complete our initial list of poor families. [This will] estimate the household’s income based on noticeable structures such as materials of their house, if there’s water and electricity, properties, among others,” ani Dumlao sa wikang Filipino.
Ang inisyal na listahan ng mahihirap na pamilya ay ipapaskil sa bawat barangay para mabigyan ng oportunidad ang publiko na i-review at itama ang kanilang household information.
Sinabi rin ni Dumlao na maaari ding umapela ang ilang pamilyang hindi nakasama sa listahan.
Ang Listahanan update ay sinimulan noong May 2019, isang information management system na layong bumuo ng database ng mga mahihirap na pamilya at ito ang magiging batayan ng kagawaran sa pagtukoy ng mga benepisyaryo sa iba’t ibang social protection programs at services tulad ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).