DSWD, NEDA, at DOLE bumabalangkas na ng guidelines para sa AKAP

Nakipagpulong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kaugnay sa pagbalangkas ng pinalakas na guidelines ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) kahapon.

Kasama sa nasabing pagpupulong sina National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma.

Ayon kay DSWD Secretary Gatchalian na ang pagpapalakas sa panuntunan ng AKAP ay upang mapangalagaan ang pera ng mamamayan.


Dagdag pa ng kalihim na sila pa ay muling magpupulong upang masiguro na sila’y tapat sa special provision o sa veto ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa conditional implementation ng AKAP.

Ang nasabing pagpupulong ay ayon sa derektiba ni Pangulong Marcos Jr. kung saan ang programa ay nakapaloob sa “conditional implementation” kaya kinakailangan na magkaroon ito ng malinaw na panuntunan.

Sinisigurado naman ng kalihim na tanging mga below minimum wage earners lamang ang makakatanggap ng AKAP.

Facebook Comments