
Tanging ang mga indigent na senior citizens lamang ang qualified sa Social Pension (SocPen) for Indigent Senior Citizens Program.
Ito ang nilinaw ni Assistant Secretary Ada Colico ng DSWD Protective Programs sa gitna ng reklamo ng ilang senior citizens na hindi nakakatanggap ng ayuda.
Ayon kay Colico, ang SocPen ay programa sa ilalim ng Republic Act No. 9994 o “Expanded Senior Citizens Act of 2010” na nagbibigay ng P500 pension kada buwan para matulungan ang mga senior citizen sa pagbili ng mga maintenance na gamot.
Pero sa ilalim ng Republic Act No. 11916 o “An Act Increasing the Social Pension of Senior Citizens,” na pinasa noong July 2022, itinaas ito sa P1,000 kada buwan.
Sakop ng batas ang 4,085,066 qualified “indigent” senior citizens sa bansa.
Ani Calico, fake news ang kumakalat sa social media na tatanggap ng pension ang mga senior citizen mahirap man o mayaman.









