DSWD, nilinaw ang trabaho ng mga guro sa pagpapatupad ng 4Ps sa mga paaralan

Iginiit naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na malaki ang papel ng mga guro sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung isasaalang-alang ng Department of Education (DepEd) ang kanilang partner-agency sa programang ito.

Ito ay kasunod ng desisyon ng DepEd na hindi na nila papayagan ang mga guro na magmonitor sa mga mag-aaral na tumatanggap ng cash aid sa ilalim ng 4Ps.

Sinabi ni DSWD Undersecretary Eduardo Punay na gusto niyang linawin na ang mga guro ay hindi involved sa distribution o pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng 4Ps.


Dagdag ni Punay, ang tanging role ng mga guro batay sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing programa ay monitoring.

Ibig-sabihin nito aniya ay naatasan ang mga guro na magmonitor ng attendance ng mga estudyanteng 4Ps beneficiaries.

Kasunod nito, inihayag ni Punay na nakikipag-ugnayan na sila sa DepEd upang linawin ang usapin at upang matukoy ang mga solusyon hinggil sa isyu.

Facebook Comments