DSWD, nilinaw na ang ₱80,000 na tulong sa babaeng lumabas sa imburnal ay hindi pabuya kundi base sa assessment ng social worker

Hindi umano isang pabuya kundi isang uri ng tulong pangkabuhayan batay sa umiiral na mga alituntunin at sa mga isinagawang assessment ang 80,000 na tulong pinansyal na ibinigay kay Rose, ang babaeng lumitaw mula sa imburnal sa Makati.

Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ang halaga ng tulong pinansyal ay hindi basta-basta lamang ibinibigay, kundi nakabase sa established guidelines na may nakatakdang minimum at maximum na halaga at sumasailalim din sa masusing pag-aaral.

Matatandaang binigyan si Rose ng DSWD ng ₱80,000 na tulong pinansyal dahil ayon sa assessment ng social worker ng ahensya, may kakayahan si Rose na magtayo ng sari-sari store na kanya rin mismong pangarap.

Nangako rin ang ahensya na tutulungan din ang partner ni Rose na si Jerome sa pamamagitan ng Pag-abot Program.

Facebook Comments