DSWD, nilinaw na hindi duplication ang dalawang proyekto nito kontra sa epekto ng El Niño

Hindi umano nagkaka-doble o duplication sa implementasyon ng dalawang proyekto ng pamahalaan na may layong maibsan ang epekto ng El Niño.

Ito ay ang Project LAWA o Local Adaptation to Water Access at ang BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished.

Sa isang news conference sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi ni Special Assistant to the Secretary for Special Operations Maria Isabel Lanada na layon ng Project LAWA at BINHI na alalayan ang mga ahensiya ng pamahalaan na matugunan ang hamon na kinakaharap ng mga mahihirap na komunidad sa kakulangan ng suplay ng tubig at sa sapat na pagkain sa harap ng nararanasang El Niño.


Makatutulong anila ang DSWD sa programa dahil kabilang sa mandato nito ay ang poverty alleviation o ang pagtiyak na may sapat na pagkain ang mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments