Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi lahat ay mabibigyang ng tulong pinansyal sa ilalim ng Emergency Subsidy Program ng pamahalaan.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sakop ng 200 billion pesos na ayuda ng gobyerno ang lahat ng pamilyang apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na ang mabibigyan lamang ng financial assistance ay ang mga tutukuyin ng Local Government Units (LGUs) sa profiling ng Social Amelioration Card form.
Nilinaw din ni Dumalao na hindi rin sakop o pasok sa Social Amelioration Program ang mga nasa ilalim ng Tupad o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa ngayon ay nasa 3.6 milyong benepisyaryo na ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nabigyan na ng DSWD ng ₱6,650 na ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program.
Isusunod na nito ang 13.8 million pamilyang nasa informal sector at low income household.