Patuloy ang pagbili ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga produktong agrikultura mula sa mga maliit na mga magsasaka para patuloy na tustusan ang Supplementary Feeding Program (SFP) ng ahensya.
Ayon kay DSWD spokesperson Glenda Relova, layon nito na mapalakas ang kabuhayan ng mga maralitang magsasaka at mapalakas din ang feeding program sa mga malnourished na bata sa bansa.
Prayoridad ng DSWD Field Offices ang pamimili sa mga local farmer’s organizations ng bigas, mga karne, mga non-ricebased snacks.
Patuloy rin ang pamimili ng DSWD ng mga sariwang gatas sa mga local dairy producer’s para sa milk feeding program ng abot sa 52,013 beneficiaries.
Target ng ahensya na mapagkalooban ng tuloy-tuloy ns masusutansyang pagkain ang 56% o katumbas ng 1 million na kabataan.
Habang sa milk feeding ay target na mabenepisyuhan ang 100,000 na bata.