DSWD, patuloy ang paghahatid ng tulong sa Bataan, Ifugao at Antique na hinagupit ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa

Tuloy-tuloy ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa Bataan, Ifugao, Antique at sa mga nasunugan sa Cebu City.

Idineploy ng DSWD ang kanilang Disaster Response and Management staff sa Central Luzon, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, at Central Visayas para mapahaghatid pa ng food items at mga non-food items.

Patuloy namang isinasagawa ang validation ng mga listahan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan sa Banaue, Ifugao para housing assistance.


Patuloy rin ang paghahatid ng tulong na pagkain at mga non-food items sa may 1,052 families o 3,156 individuals na apektado.

Nagkaloob naman ang ahensya ng family food packs at family kit at ₱10,000 na burial assistance para sa mga pamilya na nasawi sa nangyaring landslide sa Barangay Gabon, Abucay, Bataan.

Abot naman sa 96 na pamilya na nasunugan sa Cebu City ang nakatanggap ng financial assistance, psychosocial support sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Department.

Facebook Comments