DSWD, PATULOY NA NAGBIBIGAY NG TULONG SA MGA APEKTADO NG BAGYO SA REGION 2

Cauayan City – Umabot na sa 195,260 pamilya o 725,206 indibidwal ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito

Sa ulat mula sa DSWD Field Office 02, naipamahagi na ang 143,661 Family Food Packs (FFPs), 1,141 Non-Food Items (NFIs), at 2,111 bote ng tubig sa mga nasalanta.

Ayon sa ahensya, tuloy-tuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na maabot agad ang pangangailangan ng mga residente sa mga apektadong lugar.


Patuloy ring nananawagan ang DSWD sa publiko na magkaisa at magtulungan upang mapabilis ang pagbangon ng mga komunidad na naapektuhan ng sunod-sunod na kalamidad.

Facebook Comments