DSWD, patuloy pang namamahagi ng food packs sa Metro Manila LGUs na nagpapatupad ng granular lockdown

Patuloy pa sa pamamahagi ng suporta ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila sa gitna ng pagpapatupad ng granular lockdown.

Sa huling ulat, nakapagpalabas na ang ahensya ng 47,875 family food packs sa mga LGU na nagkakahalaga ng P29 million.

Una nang naglaan ng 15,500 FFP ang DSWD sa 16 LGUs at karagdagan pang 32,375 food packs sa mga lungsod ng Caloocan, Makati, Mandaluyong, Manila, Paranaque, Pasay, Quezon, San Juan at munisipalidad ng Pateros.


Sa ngayon, may 750 areas sa 13 LGUs sa National Capital Region o NCR ang nasa ilalim pa ng granular lockdown.

Facebook Comments