DSWD, pinaalalahanan ang publiko na bawal ang pamimigay ng pera sa mga namamalimos sa kalsada  

Hinimok ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na iwasan ang pagbibigay ng limos sa mga bata, homeless persons, at Indigenous People na pakalat-kalat sa mga kalsada.

Ayon sa DSWD, paglabag kasi ito sa Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law, na nagbabawal sa paghingi o pagsolicit ng tulong sa kalsada.

Layunin nitong maprotektahan ang mga bata mula sa expolitation at mabigyan sila ng habilitative services.


Mas hinihikayat ng DSWD ang Organized Gift-Giving at Caroling Activities, Feeding Programs, Story-Telling, at Medical Missions.

Maaaring gawin ang mga ito sa activity centers ng mga lokal na pamahalaan katuwang ang mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga benepisyaryo.

Nakikipagtulungan na rin ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga street dweller gaya ng mga Badjao.

Facebook Comments