Pag-aaralan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ipatutupad na sistema at proseso sa planong pagpapamahagi ng food stubs sa mga lubhang mahihirap na mga Pilipino.
Sa kaniyang kauna-unahang press briefing sa DSWD central office, sinabi ni Secretary Rex Gatchalian na kabilang sa planong gawin ng ahensya ay pakikipag-tie up sa mga malalaking grocery stores.
Sa pamamagitan nito ay maiibsan ang nararanasang kagutuman sa gitna ng mataas na presyo ng pagkain.
Aniya, pag-aaralan nila ang sistema ng gagawing pagpapatupad dito kabilang na ang pagsasaayos ng listahan ng mga kataong nasa below poverty line.
Kapag naayos na aniya ang sistema ay isusunod na nila ang pakikipag-partner sa mga ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture (DA).