DSWD, pinag-aaralan nang ibaba sa mga munisipyo ang pamamahagi ng educational assistance

Pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibaba na sa bawat munisipyo ang pamamahagi ng educational assistance para sa mga mag-aaral na nasa crisis situation.

Ito ang naging tugon ni DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos magdulot ng kaguluhan at kalituhan ang unang araw ng pamamahagi ng ayuda sa kanilang central office ngayong araw.

Ayon kay Tulfo, nire-recalibrate na nila ang kanilang sistema at nag-aadjust kung paano mas magiging maayos ang pamamhagi ng assistance sa mga estudyante.


Samantala, hindi naman na ikinokonsidera ng DSWD na ibaba sa bawat barangay at eskwelahan ang pamamahagi ng ayuda upang maiwasan ang red tape at magkaroon ng isyu sa Commission on Audit (COA).

Kasabay naman nito ay humingi ng paumanhin ang kalihim sa mga maagang pumila at hindi nakakuha ng ayuda pero kanyang pagtitiyak na mabibigyan pa rin sila ng educational assistance.

Facebook Comments