Nagbabala sa publiko ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mag-ingat sa pekeng DSWD Facebook page na nag-aalok ng financial assistance sa mga netizens.
Kasunod ito ng mga sumbong na natanggap ng DSWD sa mga post sa naturang bogus FB page na pinarerehistro ang mga bumibisita sa kanilang page sa isang link kapalit ng P10,000 na financial assistance.
Nilinaw ng DSWD na wala itong programa o financial assistance na pinadadaan online o anumang social media platforms.
Kumilos na ang ahensya para imbestigahan ang nasa likod ng bogus FB page
Pinayuhan ng ahensya ang publiko na sumangguni lang sa official Facebook page nito https://www.facebook.com/dswdserves or @dswdserves, na mayroong mahigit 1.1 million followers, para malaman ang mga anunsyo sa mga services at programa ng DSWD.