DSWD, pinaghahandaan na ang binabantayang sama ng panahon

Nagsimula nang mag-repack ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development-National Resource Operations Center (DSWD-NROC), bilang paghahanda sa paparating na tropical cyclone.

Batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA weather bureau, maaari umanong maging supertyphoon ang namataang tropical cyclone.

Bukod sa paghahanda ng mga family food packs, mahigpit na ring nakikipag-ugnayan ang DSWD-National Resource and Logistics Management Bureau sa field offices nito na maaaring tamaan ng weather disturbance.


Sa kasalukuyan, may initial deliveries na ng relief supplies at magpapatuloy ang pagbibigay ng kinakailangang augmentation sa Field Offices ng DSWD.

Facebook Comments