DSWD, pinaghahandaan na rin ang posibilidad na pagsabog ng Bulkang Taal

Todo na rin ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para tulungan ang mga maaapektuhan sa posibilidad ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Kasabay na rin ito ng pagtaas ng seismic activities sa Taal Volcano na posibleng dahilan ng pagsabog nito.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao ng DSWD Disaster Response Management Group (DRMG), naka-monitor din ang kanilang disaster response teams sa Central Office at FO – CALABARZON.

Sa DSWD FO-CALABARZON lamang ay nakahanda na ang 207,408 boxes ng family food packs at 13,178 non-food items na nakalagay sa iba’t ibang storage facilities.

Nakaantabay na rin aniya ang mga miyembro ng Quick Response Team ng Disaster Response Management Bureau (DRMB) na ano mang oras ay nakahandang i-deploy.

Tuloy-tuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga concerned local government unit (LGU) at iba pang national government agencies para sa paghandaan ang naturang sakuna.

Facebook Comments