DSWD, pinaghahandaan na ang pagdating ng Bagyong Dante sa Western Visayas

Pinakikilos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang quick response team sa Western Visayas bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong Dante.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD-Disaster Relief Operations and Monitoring Information Center sa Local Government Units (LGUs) sa posibleng relief augmentations.

May inihanda na ang DSWD ng 8,674 na family food packs na nagkakahalaga ng Php 3.2 million para sa rehiyon.


Bukod pa rito ang 23,874 non-food items na nasa regional warehouse na.

Facebook Comments