DSWD, pinaplantsa na ang mga panuntunan sa pamamahagi ng ₱500 ayuda sa pinakamahihirap na pamilya

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Finance (DOF) hinggil sa pamamahagi ng ₱500 ayuda sa mga pinakamahihirap nating mga kababayan.

Ito ay kasunod na rin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas mula ₱200 sa ₱500 ang cash assistance sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

Sa press conference sa Malacañang, sinabi ni DSWD Spokesperson Dir. Irene Dumlao na inaantabayanan din nila ang opisyal na kasulatan hinggil sa pamamahagi ng ayuda at ang pondong ibaba ng Department of Budget and Management (DBM).


Sa ngayon ani Dumlao, inihahanda na nila ang mga panuntunan sa pamimigay ng cash assistance upang mabilis itong makarating sa mga benepisyaryo.

Facebook Comments