Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga senior citizen at Persons with Disabilities (PWDs) na magpadala na lamang ng kanilang kinatawan na kukuha ng second tranche ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ito ang paalala ng ahensya sa vulnerable sectors na hindi pinapayagang lumabas ng kanilang bahay sa harap ng COVID-19 pandemic.
Sa statement, sinabi ng DSWD na nagpapatupad sila ng manual at digital distribution sa pamamagitan ng Financial Service Providers (FSP) at cash cards para sa second tranche.
Aminado ang DSWD na may ilang kwalipikadong benepisyaryo pa rin ang pumipila sa payout centers para i-cash out ang kanilang subsidies.
Apela ng kagawaran na magpadala na lamang ng mas bata at malusog na miyembro ng pamilya bilang kanilang authorized representative para kunin ang kanilang cash grant.
Ang social pension at 100,000 cash gifts ay patuloy na ipapamahagi sa bawat bahay ng mga indigent senior citizens at centenarians.