DSWD, pinuri ang CARAGA, Bicol at Cordillara sa mabilis na pamamahagi ng SAP

Pinuri ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Local Government Units (LGUs) sa CARAGA, Bicol, at Cordillera Administrative Region makaraang makumpleto sa tamang oras ang distribution ng emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa DSWD, ang mabilis sa SAP distribution sa tatlong rehiyon ay bunsod ng maayos na coordination ng mga LGU sa DSWD field offices at barangay officials.

Mahalaga rin ang papel ng mga barangay tanods at local security officers sa pagtiyak ng peace and order habang isinasagawa ang payouts.


Nasa 1,035 o 63.3% ng 1,634 LGU sa bansa ang nakumpleto ang pamamahagi ng SAP, habang ang 141 LGUs naman ay nakapagsumite na ng liquidation reports.

Binanggit din ng DSWD ang Pasig City Government sa paglulunsad ng sarili nitong supplemental SAP para sa 160,000 na pamilya na hindi kasama sa inisyal na listahan ng benepisyaryo para sa unang tranche ng cash subsidies.

Pinayuhan ng DSWD ang publiko na bisitahin ang kanilang official website para sa anumang katanungan at impormasyon hinggil sa pagpapatupad ng SAP.

Facebook Comments