
Pinag-aaralan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian na i-recalibrate ang ipinamamahaging “family food packs” (FFP) at “pabaon packs.”
Ayon kay Ma. Isabela Lanada, Director for Disaster Response Management Bureau (DRMB) ng DSWD, ang family food packs at pabaon packs ay halos magkapareho lamang.
Ang FFP ay ibinibigay sa mga pamilyang apektado ng kalamidad at emergencies.
Habang ang pabaon packs ay para sa mga pamilyang magbabalik na sa kani-kanilang bahay matapos na mailikas, at para magsilbing panimulang makakain.
Ani Lanada, gusto ni Sec. Gatchalian na ma-enhance o magdagdagan ang mga ito.
Isinulong ng kalihim na magsagawa ng mas malalim na research o pag-aaral, katuwang ang Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).
Sa ngayon, ang laman ng mga relief packs ay bigas, mga de-lata, kape at sabaw.









