Handang-handa na ang Quick Response Teams (QRT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa epektog dulot ng Bagyong Henry.
Partikular sa Hilagang Luzon kung saan bahagya itong madaraan ng nasabing bagyo.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, agad na ide-deploy ang mga tauhan ng QRT sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Henry.
Ito’y para mabilis na maihatid ang mga food packs upang hindi kulangin kahit pa may mga nakatalaga na o nakahanda na ang ibang mga Local Government Units (LGUs) at mga tanggapan ng DSWD.
Lalo na sa Region 1,2,3 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nakahanda na rin ang P1.5 bilyun na pondo ng DSWD para sa disaster response sa mga maapektuhan ng bagyo.
Muli rin iginiit ng kalihim na handa na ang DSWD na umalalay at tumulong sa mga masasalanta ng Bagyong Henry.
Matatandaan na dahil sa Bagyong Henry, maaga pa lamang ay naghanda na ang mga LGU’s na maapektuhan nito kung saan magsuspindi na rin ng klase upang maging ligtas ang bawat isa.