DSWD REGION 1, MULING NAMAHAGI NG CASH CARD SA MGA BENEPISYARYO NG UCT LISTAHANAN

Tinanggap ng mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan ang kanilang UCT (Unconditional Cash Transfer) cash card na naglalaman ng kanilang 2020 cash grant, sa isinagawang magkahiwalay na Cash Card Distribution sa Alaminos City, at Bani.

Bahagi ito ng unang batch ng cash card distribution na tuloy-tuloy nang isinasagawa sa iba’t-ibang bayan sa Region 1.

Sinuri at pinatunayan naman ng staff ng DSWD Field Office 1, at staff ng Local Government Unit ng Alaminos City at Bani ang mga dokumento ng mga benepisyaryo habang ipinamahagi ang cash card.


Ang mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan ay kabilang sa mga natukoy na mahihirap na sambahayan sa Listahanan 2 at lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng TRAIN Law.

Ang iskedyul ng Cash Card Distribution ng bawat bayan sa Region 1 ay ipinapaabot ng mga UCT-Listahanan Notifier sa mga opisyal ng bawat Barangay.

Facebook Comments