Cauayan City, Isabela- Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa posibleng epekto ng bagyong Odette sa lambak ng Cagayan na inaasahang maglaland-fall bukas, Disyembre 16, 2021 sa kabisayaan.
Sa datos, ipinamahagi ng ahensya ang nasa 10,685 Family Food Packs (FFP) sa SWAD offices ng Batanes, (2,100 FFPs worth of raw materials), Isabela (2,484 FFPs), Nueva Vizcaya (1,000 FFPs), Quirino (768 FFPs), Field Office (426 FFPs), at sattelite warehouses sa Tuguegarao City (3,507 FFPs) at Echague (2,500 FFPs).
Naglaan naman ang ahensya ng mahigit P4 milyong piso at Non-Food Items na kinabibilangan ng family tents, kitchen kits, hygiene kits, sleeping kits, family kits, kulambo, sanitary kits at modular tents.
Ayon kay DSWD FO2 Regional Director Cezario Joel Espejo, hindi kailangan magpakamante sa sitwasyon ngayon.
Tiniyak naman ni RD Espejo na laging nakaagapay ang ahensya sa mga Local Government Unit (LGU) sakaling kailanganin ang tulong para sa mga residente.