Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 na may sapat na suplay ng Food and Non-Food Items bilang tugon sa posibleng pagtama ng Tropical Depression ‘Florita’ sa Cagayan at Isabela.
Mayroong nakahanda na 18,582 na Family Food Packs at 5, 610 naman para sa Non-Food Items.
Inatasan din ang mga SWAD Teams, Provincial/City/Municipal Action Teams at Quick Response Team ng ahensya na maging alerto sa anumang oras upang i-monitor ang ulat panahon sa iba’t ibang bayan sa rehiyon.
Samantala, may mahigit P8 milyon na standby funds ang ahensya na maaaring gamitin para sa pagtugon sa mga kakailanganin ng mga residenteng posibleng maapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments