DSWD REGION 1, NANINDIGANG ANGKOP SA ITINAKDANG PAMANTAYAN ANG NILALAMAN NG FFP

Nanindigan ang Department of Social Welfare and Development Office 1 na binubuo ng mga pagkain na nakapaloob sa mga ipinamahaging family food packs ang itinakdang pamantayan ng pamahalaan.

Ito ay matapos ang viral video na nagpapakita ng maling nilalaman ng FFP tulad ng alak.

Ayon sa tanggapan, posibleng magdulot ng kalituhan sa publiko ang naturang video lalo na sa mga proyekto at programa para sa kapakanang pantao.

Ilan sa mga nilalaman ng food packs ay bigas, de lata, kape at iba pa na madaling ihanda bilang pang laman tiyan ng mga apektadong indibidwal tuwing may sakuna na sasapat ng ilang araw.

May kaukulang parusa ang paglabag na nakasaad sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments