Maaaring rebisahin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang polisiya ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) upang mapabilang ang tulong medikal para sa mga Malasakit Center.
Ito ay tugon sa tanong ni Senador Christopher “Bong” Go kung maaaring marebisa ang programa habang hinihintay ang Joint Administrative Order sa pagitan ng ahensya, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tiniyak naman ito ni Senador Imee Marcos na principal sponsor ng DSWD 2025 budget.
Ani ng Senadora, kasalukuyang may pilot run at kung maging maganda man ang takbo, ito na ang magiging alternatibo para sa nasabing JAO.
Ang JAO No. 2020-0001 o Operational Guidelines for the Implementation of the Medical and Financial Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients sa ilalim ng RA No. 11463 o Malasakit Centers Act of 2019 na nakasaad ang pagpapalawak ng tulong medikal sa mga indigent patient ng mga Malasakit Center.
Kung sakaling malagdaan man ito, maaari na itong simulan ng ahensya.