DSWD Satellite Office, Binuksan sa Santiago City;32 Benepisyaryo, Tumanggap ng Financial Assistance

Cauayan City, Isabela- Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) at City Government of Santiago para naitayong satellite office ng Social Welfare and Development Team sa Isabela.

Inihayag naman ni Mayor Joseph Salvador Tan na buo ang suporta ng lokal na pamahalaan sa ahensya ngayong pandemya at ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Mas mapapalapit na ang serbisyo ng gobyerno sa publiko ngayong may bago ng satellite office.


Samantala, binigyang diin naman ni DSWD FO2 Regional Director Cezario Joel C. Espejo na ipagpapatuloy ng ahensya ang pagbibigay ng napapanatiling programa na nag-aangat sa kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pangmatagalan.

Umabot naman sa 32 benepisyaryo ang nabigyan ng financial assistance na umabot sa kabuuang P154,000.

Facebook Comments