DSWD SECRETARY GATCHALIAN, PINANGUNAHAN ANG RELIEF DISTRIBUTION SA ILOCOS REGION

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng family food packs sa mga nasalanta ng Bagyong Emong sa Pangasinan at La Union kahapon.

Naging puspusan ang relief operation ng kagawaran sa dalawang lalawigan at personal na nasilayan ang kalagayan ng mga evacuees.

Sa Dagupan City, binisita ni Gatchalian ang kabuhayan ng 200 mangingisda na hindi nakapalaot dahil sa masamang panahon at binigyan ng karampatang tulong.

Sunod na nagtungo ang opisyal sa San Fernando City, La Union upang mamahagi ng food packs at ilan pang kits na kailangan ng mga evacuees.

Ayon sa opisyal, nasa 754,000 na family food packs ang naipamahagi na sa buong bansa at inaasahan na madadagdagan sa patuloy na request na natatanggap mula sa mga lokal na pamahalaan.

Tiniyak din niya laging nakahanda ang tanggapan at hindi tumitigil sa pagproprodyus ng relief goods bago pa tumama ang anumang weather disturbances. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments