DSWD Secretary Rex Gatchalian, personal na pinangunahan ang relief efforts sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon

Nagtungo na sa Negros Oriental si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian upang personal na subaybayan ang disaster response sa mga pamilyang apektado ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

Kasunod ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon, agad na nakipagpulong si Secretary Gatchalian kina DSWD Field Office-6 (Western Visayas) Regional Director Carmelo N. Nochete at Field Office-7 (Central Visayas) Regional Director Shalaine Marie Lucero upang talakayin ang mga paghahanda sa pagtugon sa sakuna upang matiyak ang kaligtasan ng apektadong pamilya.

Sa pagpupulong, binigyang-diin din ni Gatchalian ang pangangailangan para sa agarang aksyon, gaya ng prepositioning ng 20,000 Family Food Packs (FFPs) sa Negros Island at Bacolod City sa Huwebes o Biyernes ngayong Linggo.


Naglaan na rin ng mga karagdagang FFPs sa mula sa Field Office.

Sa kasalukuyan, mayroong 72,235 boxes ng FFPs na handang ipamahagi sa DSWD Western Visayas at Central Visayas field offices.

Inatasan din din ng DSWD chief ang mga concerned Field Offices na i-deploy ang kanilang Mobile Command Centers (MCCs) para mapagana ang real-time coordination sa mga lokal na pamahalaan.

Ani Gatchalian, masusubukan ngayon ang mga makabagong kagamitan sa Information and Communications Technology (ICT) na may mga surveillance at communication device, power supply at iba pang electronic equipment na mahalaga sa pagkuha ng mga datos para sa relief operations.

Batay sa report ng Disaster Response and Management Bureau (DRMB), nasa kabuuang 170 pamilya, o 796 na indibidwal mula sa walong barangay sa buong Negros Occidental at Negros Oriental ang naapektuhan ng pagputok ng bulkan.

Facebook Comments