DSWD SECRETARY REX NAGHATID NG TULONG SA CHILD DEVELOPMENT CENTER SA AGUSAN DEL NORTE, TULOY-TULOY DIN ANG PAMAMAHAGI NG EMERGENCY CASH TRANSFER SA IBA’T-IBANG PROBINSYA

Sinamahan ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang Pangulo kasama ang iba pang opisyal sa personal na pagbisita sa isang Child Development Center (CDC) sa Agusan del Norte, upang magbigay ng tulong sa mga mag-aaral at sa komunidad nitong nakaraang Biyernes.

Masaya silang sinalubong ng mga bata, guro at magulang sa nasabing CDC sa Barangay La Paz, Santiago.

Ang day care center ay naitayo sa pamamagitan ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) at natapos noong 2023.

Ito ay patuloy na nagbibigay ng ligtas at mapagkalingang espasyo kung saan maaaring matuto at lumaki ang mga bata.

Sa kanilang pagbisita at pakikisalamuha sa mga mag-aaral, namahagi sila ng school bag at nagbigay ng Starlink internet system upang makatulong na mapalakas ang digital access sa lugar.

Ayon sa Kalihim, isinusulong ng programang KALAHI-CIDSS ang community-driven development, na nagbibigay-kapangyarihan sa mga lokal na residente na makilahok sa pagtukoy at pagpapatupad ng mga proyektong tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Nagpasalamat din ang Kalihim sa mga community volunteers at partners para sa kanilang masigasig na pagtatrabaho at dedikasyon.

Kasabay ng programang ito, sinigurado ni Secretary REX na tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa iba’t – ibang probinsiya bilang tugon sa pinsalang dulot ng sunod-sunod na kalamidad at krisis sa kabuhayan ng ating mga kababayan.

Isinagawa ng DSWD ang pamamahagi ng cash assistance sa mga apektadong pamilya sa mga sumusunod na probinsya mula noong Oktubre 20 hanggang 26:

§ Masbate
§ Romblon
§ Cebu
§ Oriental Mindoro
§ La Union
§ Pangasinan
§ Bukidnon
Tiniyak ng DSWD ang patuloy na pag-alalay ng pamahalaan sa muling pagbangon ng mga pamilyang higit na naapektuhan ng sakuna.

Facebook Comments