DSWD SECRETARY TULFO, BINIGYAN DIIN ANG HINDI DAPAT PAGWALDAS NG PERA NG BAYAN

Binigyan diin ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ang hindi dapat pagwaldas sa pera ng bayan matapos itong bumisita sa Lungsod ng Dagupan Kahapon unang araw ng Disyembre para sa 2022 Year-End Evaluation Workshop (Internal Audit Service) ng ahensya.
Ayon kay Tulfo, marami umanong pera at pondo ang gobyerno ngunit ang nagiging problema ay hindi napupunta sa tamang kinalalagyan nito at hindi nagagastos ng maayos.
Dagdag pa niya ang ahensya ng DSWD ay isa sa pinagkalooban at pinagkatiwalaan ng bagong administrasyon na may malaking pondo na tinatayang nasa P200-300-bilyon para sa susunod na taong 2023.

Umaasa si Tulfo na ang bawat isa na nagtatrabaho sa ilalim ng ahensyang DSWD ay buksan ang kanilang mga mata upang magastos ng tama ang pondo at hindi para napupunta lang sa wala.
Ipinaalala din ng opisyal na ang perang pondo ay ang pera ng bawat Pilipinong nagbabayad ng kanilang mga buwis.
Samantala, kinausap ng opisyal ang LGU- Dagupan City at nangako ito na darating ang tulong ng pamahalaan sa loob ng hindi bababa sa 24-oras lalo na sa panahon ng kalamidad para sa bawat Dagupenyong kapus-palad. |ifmnews
Facebook Comments