DSWD, sinasapinal na ang listahan ng mga buntis at bagong panganak na benipisyaro ng 4Ps para sa dagdag na ayuda

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD kasunod ng ginawang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na plantsahin ang listahan ng palawigin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps Beneficiaries na buntis at bagong panganak na makatatanggap ng “first 1,000 days grant.”

Ayon kay 4Ps National Program Manager and Dir. Gemma Gabuya, mula sa kasalukuyang Php 750 na ayuda ay makatatanggap pa ng karagdagang P400 Assistance ang mga benepisyaryong buntis at bagong panganak.

Paliwanag ni Gabuya, ang dagdag na ayuda ay para lubos na matutukan ang nutrisyon at development sa first 1,000 days ng bata.


Paglilinaw naman ni Gabuya, tanging mga kasalukuyang miyembro lamang ng 4Ps na buntis at bagong panganak ang kwalipikado sa naturang ayuda.

Tiniyak din ng DSWD na tututukan ang mga bata sa loob ng panahon na ibinibigay ang grant kasama na ang buwanang pagtitimbang at pagbabakuna sa mga ito.

Facebook Comments