Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang relief supplies para sa mga naapektuhan ng lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.
Nasa mahigit anim na milyong halaga ng relief assitance ang ipinalabas ng DSWD sa Region 11 at 12 para sa ayuda sa mga apektado ng lindol.
Abot na sa mahigit tatlumpung libong pamilya na ngayon ang nangangailangan ng tulong.
Pinakarami rito ay sa Makilala na nasa dalawampung libong pamilya, sinusundan ng Tulunan na may mahigit tatlong libo at Magsaysay dalawang libo.
Abot sa 27,310 ang nasira ang kanilang mga bahay at 4,257 ang nanatili sa mga evacuation center.
Facebook Comments