Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pamamahagi ng Social Pension sa mga Indigent Senior Citizen.
Ito’y matapos itaas sa isang-libong piso mula sa dating limang-daan piso ang benepisyo ng mga Senior Citizen na bahagi ng Bagong Pilipinas na inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa DSWD, tumanggap ng kabuuang anim na libong piso ang mga benepisaryo na makatutulong para sa dagdag na pambili ng kanilang gamot, pagkain at iba pang pangangailangan.
Paliwanag ng DSWD aabot sa 250 Indigent Senior Citizens ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng Republic Act No. 11916 o ang Act of Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizen.
Ito ang nagbibigay ng isang-daang porsyento pagtaas sa kanilang monthly pension upang mabawasan ang kanilang alalahanin sa epekto ng Inflation.
Nangako naman ang DSWD na kanilang ipagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong at interbensyon sa mga mahihirap o ordinaryong Pilipino, Person With Disability (PWD) at Vulnerable Sectors.