Sinita ng mga senador ang Department of Social Welfare and Development o DSWD dahil sa kabiguan nitong gawin regular ang libo-libong social workers na matagal na sa serbisyo.
Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance, sinabi ni Senator Imee Marcos, Chairperson ng Komite, na ang DSWD ang may pinakamaraming contractual employees sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan.
Aniya, 41 percent ng mga kawani ng DSWD ang naka-job order at contract of service.
Ayon naman kay Senator Raffy Tulfo, taon-taon nilang sinisita ang DSWD hinggil dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatalima ang departamento.
Ayon pa kay Tulfo, bukod sa walang security of tenure ang contractual employees na nanganganib aniya ang buhay ng mga kawani na sumasakay lamang sa tricycle o ‘di kaya ay umaangkas sa motorsiklo habang dala ang perang pang-ayuda dahil walang service vehicle ang DSWD.