Sunday, January 18, 2026

DSWD, sinuyod ang kahabaan ng EDSA at Timog Avenue sa Quezon City; ilang pamilya ng mga street dwellers, sinagip sa ilalim ng Oplan Pag-abot

Sinuyod ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD upang sagipin ang ilang street dwellers sa kahabaan ng EDSA at Timog Avenue nsa Quezon City.

Ito’y sa ilalim ng Oplan Pag-abot, isang programa ng DSWD na may layong matulungan ang mga pamilyang pagala-gala at ginawa nang tirahan ang mga bangketa.

Kabilang sa mga kinumbinsi ng mga tauhan ng DSWD ay isang babae na may karay-karay na sanggol na tinatayang nasa dalawang buwang gulang pa lamang.

Nangangamba ang DSWD na malagay sa peligro ang ang sanggol habang ito ay nasa gitna ng lansangan lalo na kapag mainit ang panahon o umuuulan at malamig ang hangin.

Kabilang sa tutulungan ng ahensya ay isang babaeng nagbebenta ng bulaklak ng sampaguita sa center island ng Timog Avenue.

Target din ng DSWD na matulungan ang mga kabataan na sa lansangan na naninirahan at madalas na nakikitang sumisinghot ng rugby na sumisira sa kanilang pangangatawan.

Facebook Comments