DSWD, sisimulan na ang pamamahagi ng financial assistance sa mga sinalanta ng bagyo sa susunod na linggo

Tututukan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang distribution ng financial assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Enteng sa susunod na linggo.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tinatapos na lamang ng ahensya ang mga request para sa family food packs.

Tiniyak din ng kalihim na sapat at hindi magkukulang ang mga relief items bilang paghahanda sa mga posible pang kalamidad na darating sa bansa.


Hindi aniya tumitigil ang ahensya sa disaster response operation upang masiguro na mabibigyan ng tulong ang lahat ng mga residenteng nasalanta ng nagdaang bagyo.

Paliwanag pa ni Gatchalian, higit kalahati ng tinatayang 500,000 family food packs ang nakalaan para sa mga sinalanta ng Bagyong Enteng ang naipamahagi ang naipamahagi na sa buong bansa bilang augmentation support sa mga apektadong local government units (LGUs).

Facebook Comments