MANILA – Sisimulan na ng DSWD ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nawalan o nasira ang bahay dahil sa bagyong Lawin.Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, nakatakdang ipamahagi ngayong linggo ang kalahati ng halagang maaring makuha ng mga nasalanta mula sa Emergency Shelter Assistance (ESA).Sa ilalim ng ESA, ang mga pamilyang bahagyang nasira ang bahay ay makakatanggap ng sampung libong piso.Habang ang pamilyang nawasak o labis na napinsala ang bahay ay makakakuha ng tatlumpung libong piso.Sinabi pa ni Taguiwalo, na minamadali na nila ang pagpapalabas ng tulong pinansyal dahil sa nakaraang administrasyon, umabot pa ng tatlo hanggang anim na buwan bago naibigay ang tulong.
Facebook Comments