Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtatatag ng National Food Policy ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na layong resolbahin ang deka-dekadang problema ng kagutuman at mapalakas ang food security ng bansa.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, makatutulong ang National Food Policy na itugma ang mga hakbang ng iba’t ibang ahensya para sugpuin ang gutom, malnutrisyon at makamit ang food security at maisulong ang sustainable agriculture sa bansa.
Napapanahon ang paglulunsad ng polisya lalo na at nagdulot pa ng pagtaas ng hunger incidence sa bansa ang COVID-19 pandemic.
Dapat magtulungan ang mga miyembro ng task force, pribadong sektor at development partners para matiyak na naipatutupad ang National Food Policy.
Pagtitiyak ni Bautista na patuloy na susuporta ang DSWD sa adbokasiya at programa ng Task Force sa pamamagitan ng paghahatid ng serbisyo sa mga mahihirap, vulnerable at disadvantaged sectors.