DSWD, suportado ang pagpapalakas sa pension system sa harap ng pandemic

Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga panukalang batas sa Kongreso na naglalayong palakasin ang social pension system para sa mga lubhang mahihirap na senior citizens.

Ito’y sa layuning proteksyonan ang mga matatanda sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa kasalukuyan kasi nasa ₱500.00 per month ang tinatanggap ng mga indigent senior citizen sa ilalim ng Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.


Ito ay ibinibigay per semestral basis o ₱500 sa loob ng anim na buwan.

Ang mga kuwalipikado rito ay mga matatanda na sakitin, mahihina o may kapansanan at walang tinatanggap na pensyon sa alinmang social pension sa mga government agencies.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, sakaling maging ganap na batas, maaayudahan ang mga pagsisikap ng ahensya na maibigay ang mas malawak na assistance sa nakatatanda lalo na sa panahon ng krisis.

Kaugnay nito, hahawakan na ng bagong tatag na National Commission of Senior Citizens ang lahat ng programa at services ng DSWD para sa mga older persons.

Magiging trabaho naman ng DSWD sa pakikipagtulungan ng mga Local Government Units (LGUs) na maipatupad ang Social Pension for Indigent Senior Citizens sa ilalim ng RA 9994.

Facebook Comments