Sinisilip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto ang “Listahanan 3” o ikatlong bugso ng assessment ng mahihirap na pamilya sa bansa ngayong taon.
Ang National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) o mas kilala bilang “Listahanan 3” ay dumaraan na sa validation at finalization phase kung saan ang inisyal na listahan ng mahihirap na pamilya ay ipapaskil sa mga barangay para sa community review.
Sa ngayon, ang mga barangay ay local verification teams ay nakapag-assess na ng higit 14.4 million na mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Nasa 16.1 million na pamilya ang target ma-assess sa ilalim ng Listahanan 3.
Ang DSWD ay nakatanggap ng higit 3.67 million grievances sa buong bansa mula nitong Abril, 76.22% o higit 2.8 million ang umaapela ng household re-assessment.