DSWD, target makumpleto ang manual payout ng SAP sa katapusan ng Hulyo

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto ang manual distribution ng emergency cash subsidies sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa katapusan ng Hulyo.

Ayon sa DSWD, nagpapatuloy ang payout activities at inaasahang makukumpleto ito ngayong buwan.

Mula nitong July 2, nasa higit ₱89.8 billion na halaga ng cash subsidies ang nai-disburse sa higit 14.88 household beneficiaries para sa second tranche ng SAP.


Ang nagpapatuloy na SAP distribution ay para sa waitlisted recipients at sa mga recipients na hindi pa nakatanggap ng kanilang SAP 2 aid mula sa financial service providers.

Facebook Comments